BAP umapela sa OFWs na huwag magtago ng dolyar

NANAWAGAN ang mga bangkero sa pamilya ng mga overseas Filipino workers (OFWs) na huwag itago o magsagawa ng hoarding sa tinatanggap na dolyar.

Ang panawagan ay inihayag ni Bankers Association of the Philippines (BAP) president Aurelio Montinola III dahil unti-unting nawawala ang dolyar sa bangko.

Sa halip na mag-hoard ay mas mainam na kaagad ipapalit ng pamilya ng mga OFW ang kanilang dolyar dahil malaki umanong epekto ito sa ekonomiya ng bansa.

Ipinaliwanag ni Montinola na inaasahan na ang Amerika ay makararanas ng long-term low interest rate at long-term low growth kaya kung ipapalit kaagad ang dolyar sa piso ay makakukubra ng mas mataas na interest rate ang pamilya ng mga OFW at posibleng hindi pa malugi sa halaga ng palitan. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply