Bar exam blast victim staff ni Senator Koko

ISA sa staff ng bagong proklamang senador na si Koko Pimentel ang second  year law student na si Raissa Laurel.

Ayon kay Raissa, kabilang siya sa legal team ni Pimentel bilang assistant ni Atty. Ryan  Quilala.

Bilang estudyante, lalo aniyang magiging maaga ang gising niya  para paghandaan ang kanyang trabaho.

Magiging trabaho umano niya ang mag-research, mag-draft ng bills, at mga resolusyon.

Pero tututukan daw niya ang usapin ng electoral process upang mabago ang sistema nito tungo sa matapat at makatotohanang  resulta ng halalan.

Si Raissa ay naputulan ng dalawang paa matapos malubhang nasugatan sa pagsabog sa labas ng De La Salle University (DLSU) sa Taft Avenue, Maynila kasabay ng Bar examinations noong nakalipas na Setyembre 2010.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply