Pagbaha dahil sa baradong estero – MMDA

ISINISISI ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Francis Tolentino ang madaling pagbabaha sa Kalakhang Maynila sa tuwing umuulan sa mga baradong estero.

Ayon kay Tolentino, sa kabuunang 8,100 toneladang basura ng Metro Manila kada taon, 500 tonelada dito ay napupunta sa estero kaya nahihirapan ang tubig ulan na dumaloy patungong mga ilog at dagat.

Sinusubukan umano ng kanilang ahensiya na linisin ang mga lagusan ng tubig subalit hanggang 43% ang kanilang puwedeng malinis dahil ang natitirang 57% ay mga lugar na sobrang makitid o di kaya ay tinayuan na ng mga bahay.
Hirap umanong panatilihing malinis ito ng kanilang mga tauhan dahil matapos linisin ilang araw pa lamang ay puno nanaman ito ng basura ng mga residente.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply