Barbie Forteza, Bea Binene, Vilma at Nora ng makabangong panahon

MARAMING kabataang artista sa “Tween Academy: Class of 2012” pero nangingibabaw talaga ang personality at talent ng dalawang young actresses rito na parang millennium version nina Ate Vi at Ate Guy.

Sa totoo, parehong mahuhusay na aktres ang dalawang batang ito pero Vilmang-Vilma ang arrive ng acting ni Barbie Forteza with her refreshingly sparkling ivory skin tone, samantalang Ate Guy naman ang dating ni Bea Binene with her morena skin tone and quiet intensity and absorbing facial expressions that is shown to great advantage at her afternoon soap with Carmina Villaroel and Maxene Magalona “Pahiram Ng Isang Ina.”

Sa totoo lang, maganda ang magiging future ng dalawang batang ito sa industriya lalo na’t inaalagaan naman talaga sila nang husto ng GMA 7.

With an actor’s director like Joel Lamangan at the helm of Bea’s afternoon soap, tiyak na lalong maaalagaan ang kanyang acting.

Si Barbie naman on the other hand ay tiyak na lalong magbu-bloom ang incandescent beauty as time goes by along with her innate acting skill.

Showing na nga pala ang movie nilang Tween Academy ngayong August 24 in theaters nationwide.

Love interest nila rito ang paborito nilang leading men na sina Joshua Dionisio (for Barbie) and Jake Vargas (for Bea).

Naririto rin ang heartthrobs na sina Elmo Magalona, Kristoffer Martin, Derrick Monasterio at ang naka-date ni Sam Pinto kamakailan na si Alden Richards.

Do watch it. I’m positive you’re going to fall for its beautiful story that’s all the more highligted with the inspired direction of Mark Reyes.

Super well-attended nga pala ang premiere night nito last Saturday sa Cinema 9 ng SM Megamall.

***

Lalong humuhusay ang acting ni Ejay Falcon sa ‘Guns And Roses’

ONE of the reasons why I love to watch ‘Guns And Roses” almost on a nightly basis is the sterling presence of our favorite actor Ejay Falcon. Sa totoo lang, ang laki ng improvement ng young actor na to acting-wise, we never fail to watch him emote in some of his emotionally draining scenes with Robin Padilla.

Dati-rati, he was definitely the butt of jokes among his fellow actors basically because of his ham acting.

Oo nga’t katakut-takot na acting workshops na ang pinagdaanan niya but these seemed to prove futile in the sense that his acting had remained vapid and dull.

Fortunately for him, he had persevered and look at him now, nakikipaglamunan na rin sa acting side by side with Robin Padilla’s fiery performance.

Totoo ka, kapag may tiyaga, may nilaga.

Kuha mo, Bubog? Hahahahahaha!

***

Zanjoe bilib sa samahan nina Richard Gomez, Lucy Torres

SA PRESSCON ng pelikula nila ni Toni Gonzaga na “Wedding Tayo, Wedding Hindi,’ tinanong ng working press kung alin sa mga showbiz marriages ang gusto niyang i-emulate, walang hesitation na sinabi ng ma-

appeal na morenong aktor na gusto niya ang ideal marriage nina Lucy Torres at Richard Gomez.

“Imagine, ilang years na silang magkasama pero ang sweet-sweet pa rin nila,” he gushingly states. “Maganda talaga ang kanilang samahan.

“Para bang di na matatapos ang kanilang relasyon.

“One thing more,” he adds smiling beatifically. “bagay na bagay silang magkasama.”

Oo nga naman.

Come to think of it, kaya siguro siya nakare-relate sa relasyon ng dalawa ay dahil sa may striking resemblance sila ni Goma lalo na’t pareho silang fashion plate at moreno ang coloring at impressive ang height.

Going back to their movie Wedding Tayo, Wedding Hindi, riot ang mga eksena nila rito ni Toni lalo na’t wala na silang ilang factor for the simple reason that Toni was Zanjoe’s first leading-lady when he started out in the movies some two years ago.

Do watch it when it detonates in some 100 theaters nationwide on August 31.

***

Sayang na nota

HAHAHAHA! Kaaliw naman ang tsika ng mga baklitas tungkol sa hunk actor na ‘to na ngayo’y isa ng mujerada. Hakhakhak!

“What a waste talaga,” so says a colleague who seems to be completely knowledgeable of the private affairs of this former hunk who’s now a full-fledged cross-dresser.

Hakhakhak!

“Sa mag-uutol, isa pa naman siya sa gifted talaga, if you know what I mean. Hahahahaha! Tapos, gusto pa yatang ipa-amputate ang kanyang ‘career’.

“Ano ba ang pumasok sa kukote ng baklaitang ito at tinalikuran ang dati niyang life-style para maging isang mujerada. Hakhakhak!”

Sa true, kung hindi raw nagpakita ng resistance ang mga utol niyang lalaki, maas feel daw sana ng baklitang maging fullfledged girlalu na. Hakhakhak!

Sayang na nota. Daks pa naman daw sana, ‘yun nga lang, mas feel nitong siya ang binibiyak and not the other way around. Hakhakhak!

How true? Victory Joe kuno ang feel na feel na sexual position ni Ate? Hakhakhak!

Ingat kay Aida, amiga. For all you know, it could happen to you.

Beware!

***

Mystery kailangang i-maintain kahit matagal ng kayong mag-asawa

TWENTY six (26) years na silang magkasama ni Senator Ralph Recto but  in all the years that they were together, Ms. Vilma Santos says that they never forget to celebrate each other’s presence in their respective lives.

“Hindi talaga lalampas ang isang araw na wala kaming I love you sa isa’t isa,” says the Queenstar for seasons beaming.”

But their union is far from being perfect. May occasional disagreements rin along the way but just the same, they still kiss each other before retiring in the evening.

“Pagkaganon, I mean pag nagkakagalit kami,” Ate Vi says with palpable amusement, “ulo ko binibigay ko pag nagki-kiss siya.”

Happiest moment daw para sa kanilang mag-asawa kapag nagta-travel sila outside of the country.

“Pinaka-oras namin ‘yun para sa aming sarili,” she enthuses. “Pagka ganon, di kami humihingi ng government assistance. We just do it on our own.

“For once, gusto naming maging ordinaryo,” she asseverates. “‘Yung walang schedule na sinusunod. ‘Yun bang walang keber kung anong oras magigising…kung saan pupunta.

“Honestly,” she candidly admits, ” hindi kasi normal ang buhay dito.”

Isa pang sikreto ng kanilang longevity as husband and wife ay ang aspetong may tinitira pa ring mystery para sa kanilang mate. “May sarili akong banyo,” she points out in earnest. “Hindi porke’t matagal na kayong mag-asawa ay todo pasa ka na lang.

“Di ganon dapat,” she points out methodically. “You should maintain a little mystery for yourself.”

Oo nga naman.

Hindi porke’t matagal ng mag-asawa ay ibubuyangyang mo na lang lahat-lahat.

Kita n’yo naman, after 26 long years of being married, parang honeymooners pa rin sila ni Papa Ralph. Hahahahaha!

Of course you need to maintain your beauty and freshness the way Ate Vi is remarkably doing for your husband to get intimately interested.

If you know the salient point I’m hinting at. Hakhakhakhakhak!

***

Send in those sizzling stories that you know about our fave showbiz personalities at pete_ampoloquio@yahoo.com and #09994269588, #09276557791 and #09223870129 and read them here.

And with that, ito po ang kuya Pete ninyo na nagsasabing, Christopher, my son, I love you very, very much, my love for you goes beyond eternity.

Adios. Mabalos. I always need you, Nong!

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply