Barbosa, Dimakiling nakisalo sa liderato

Individual standings after round 3:
3.0 – IM Oliver Barbosa (PHI), IM Oliver Dimakiling (PHI), GM Li Shilong (CHN), GM Wang Rui (CHN), IM Lu Shanglei (CHN), Wang Jue (CHN)
2.5 points – GM Darwin Laylo (PHI), IM Rolando Nolte (PHI), GM Cao Sang (VIET), IM James Morris (AUS), Wan Yunguo (CHN), Yu Ruiyuan (CHN), Bai Jinshi (CHN), IM Sadikin Irwanto (INA), Vakhidov Janhongir (UZB)

NAPANATILI nina Filipino International Masters Oliver Barbosa at Oliver Dimakiling ang kanilang malinis na kartada matapos ang third round ng 8th Dato Arthur Tan Malaysia Open Chess 2011 sa  5th Floor, Cititel Midvalley Hotel sa Kuala Lumpur, Malaysia nitong Sabado, Agosto 20.

Pinisak ni Barbosa si Woman Grandmaster (WGM) Zhang Xiaowen ng China habang namayani naman si Dimakiling kay GM Dao Thien Hai ng Vietnam.

Una rito, tinalo ni Barbosa sina GM Saidali Iuldachev ng Uzbekistan sa first round nitong Huwebes kasunod ng pagpapadapa sa kababayan na si National Master Edgar Reggie Olay sa second round nitong Biyernes.

Habang si Dimakiling naman ay binasura sina Woman Fide Master Helen Milligan ng New Zealand at Chen Yibo ng China ayon sa pagkakasunod.

Ang tagumpay nina Barbosa at Dimakiling ay nagdala sa kanila ng perfect 3.0 points na naitala ring iskor nina GMs Li Shilong at Wang Rui at IM Lu Shanglei at Wang Jue ng China.

Nagpakitang gilas din si GM Darwin Laylo ng Marikina City na winasiwas naman si FM Bobby Cheng ng Australia tungo sa 2.5 points at pagsalo sa 7th hanggang 15th places sa grupo nina compatriot IM Rolando Nolte ng Quezon City, GM Cao Sang ng Vietnam, IM James Morris ng Australia, Wan Yunguo, Yu Ruiyuan at Bai Jinshi ng China, IM Sadikin Irwanto ng Indonesia at Vakhidov Janhongir ng Uzbekistan.

Sa iba pang resulta ng mga Pinoy, dinurog ni Nolte si Li Ting Tan ng Malaysia, nadapa si Nelson “Elo” Mariano III ng Manila kontra kay Janhongir, panalo naman si Paris-based GM Joseph Sanchez kay Li Panru ng China, tabla si IM Richard Bitoon na taga Cebu province kay Chen Yibo ng China, tabla rin si Malaysia-based Cris Ian Udani kay Italy-based GM Roland Salvador, panalo si Olay kay Hilton Bennett ng New Zealand at kinapos si IM Richilieu Salcedo kay Lee Kah Meng Elgin ng Malaysia.

Ang trip ng mga Pinoy ay suportado nina National Chess Federation of the Philippines (NCFP) chairman/ president Prospero “Butch” Pichay, Jr.,  Philippine Sports Commission (PSC)  chairman Ricardo Garcia at ng Philippine Olympic Committee (POC). Liberty Icao

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply