Barya sa PH kulang na– BSP

AYON sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), kulang na ang barya sa bansa.

Sinabi ng BSP, wala namang kakulangan sa suplay nito ngunit anila, maraming Filipino kasi ang nag-iimbak nito sa alkansiya o iba pang ipunan at itinatago.

Ito umano ang dahilan kung bakit nagkukulang ang barya sa bansa dahil kulang na ang mga baryang umiikot.

Inihalimbawa rin ng BSP na dahilan ng coin shortage sa bansa ay ang pag-iipon ng mga simbahan na mula sa nakokolektang barya sa misa, ang small-town lottery (STL), vending machine, videoke at auto-water machine na karaniwang hinuhulugan ng barya.

Idiniin ng BSp ang importansiya ng pag-ikot ng barya sa ekonomiya pero dahil naitatago lang ang mga ito, napipilitan ang pamahalaan na gumastos para gumawa ng bago kung saan gumagastos ng P2 ang BSP sa kada piraso ng baryang ginagawa nila.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply