Basura, basurahan at ang mga korap

PANAHON nang harapin ng pamahalaan ang delikadong kalagayan ng mamamayan dahil sa mga basurahan.

Ilan ba ang namatay sa Lungsod ng Baguio nang gumuho ang basurahan sa mataas na lugar?

May mga dinapurak at tinabunan ng mabahong basura.

May mga bahay na naging libingan ng mga biktima nang bumigay ang mga pader laban sa dump site.

Grabeng trapik din ang nilikha ng gumuhong basurahan.

Mabuti na lang at hindi nahabol ng pangyayari ang rekord ng Payatas dumpsite na kinamatayan ng nasa 300 katao.

Pero parehong pumapatay ang basurahan kaya naman dapat lamang na harapin na ito bago pa may susunod na mga kalamidad na lilikhain ng mga basurahan.

Hindi dapat na magpatumpik-tumpik ang mga kinauukulan sa usaping ito.

SOBRANG INUTIL NG DENR

Anak ng tokwa, nagkaroon kaagad ng turuan nang maganap ang disgrasya sa Baguio.

Itong inutil na Department of Environment and Natural Resources ay hindi kinakikitaan ng seryosong pagpapatupad ng mga patakaran nito.

Sinasabi nitong nag-iisyu ng libong cease and desist order sa mga local government unit ukol sa paggawa ng mga ito nang mga depektibong dumpsite pero wala umanong sumusunod.

Ano pa ang silbi ng DENR kung inutil naman pala ito?

MANHID NA MGA OPISYAL

Ayon sa mga residente sa paligid ng Baguio dumpsite, matagal na nilang inirereklamo ang basurahan sa kanilang lugar.

Bukod sa mabaho, matagal na umanong tumatagas ang dumi ng dumpsite patungo sa kanilang mga tahanan at pinagkukunan ng tubig inumin.

Pero wala ni sinoman sa mga lokal na opisyal ang nakikinig sa kanila.

Ngayong gumuho ang basura at pumatay ng mamamayan, ngayon lang sila nag-iisip kung ano ang gagawin nila sa problema.

Dito kitang-kita ang kawalan ng bisyon ng mga opisyal ng bayan.

Kailangan pang may magbuwis ng buhay bago sila seryosong mag-isip kung ano-ano ang kanilang mga gagawin.

PERA-PERA SA BASURA

Daan-daang milyon at bilyon-bilyong piso, mga Bro, ang kita sa basura.

Ito ba ang dahilan kung bakit malaking problema ang basura?

Batay sa mga feasible study na isinasagawa sa mga malalaking dumpsite, ang paggawa lang nito ay umaabot ng P1 bilyon.

Kaya naman pinag-aagawan ang pagkakaroon ng dumpsite.

Magkano ang komisyon o kikbak ng mga lokal na opisyal sa construction ng mga dumpsite sa nasabing halaga?

Magkano ang kanilang kikbak sa pagmamantine ng basurahan?

Iba pa rito ang kita sa nakukuhang kayamanan sa basurahan na milyon-milyon ang halaga gaya ng mga plastik.

At siyempre pa, iba pa ang trucking business dito na milyon-milyon din ang inihahatid na kita.

At ang buwis sa dumpsite, malaki rin mga Bro.

Kaya may mga LGU, lalo na ang mga korap na opisyal,  na ilayo ang mga basurahan sa kanilang mga teritoryo.

Yung mga nagtatapon ng kanilang mga basura sa malalayong lugar, sila yata ang kahit papaano ay may kaunting nalalabing konsiyensiya.

IBANG PARAAN LABAN SA BASURA

Sa totoo lang, mga Bro, napakarami nang panukala laban sa basura.

May incineration o pagsusunog sa mga basura.

May mga kemikal na pantunaw naman sa mga ito.

Pero kahit ano pa ang isinusubong paraan laban sa basura, alam ba ninyo na  malalaking pera rito ang pinupuntirya ng tarantadong mga opisyal ng gobyerno?

Yung nga lang incinerator na inilalako noon, bilyon-bilyon pala ang kontrata
para sa kung ilang taon.

Ganito rin ang puntirya sa mga suplay ng kemikal.

Pera-pera rin mismo ang lokasyon ng basurahan.

Kung may 50 o 100 ektarya ka, pupuwede mong isubo yan na lugar ng basurahan.

Pero, itong mga animal na opisyal ng bayan, mas gusto pa nilang magkapera muna bago maaprubahan ang basurahang yan.

BITAYIN ANG MGA KORAP

Mula sa simula hanggang katapusan, lumalabas na ang problema, mga Bro, sa basura ay ang mga tarantadong opisyal ng bayan.

Kaya walang matinong solusyon sa mga basura at basurahan.

Paano kaya kung simulan nating ikampanya ang panunumbalik ng bitay at isama ang mga basurang opisyal ng bayan sa mga mabibitay sa kanilang mga kagaguhan at pamemera?

Kung hindi sila bibitayin nang paraang dinaanan nina Jose Rizal at Leo Echegaray, sila na lang ang itatapon natin sa mga gumuguhong basura at gawin na nating libingan nila ang mga basurahan, aka sila sunugin, kasabay ng pagsunog sa mga basura.

Tingnan lang natin kung hindi kumilos ang mga ito sa matuwid na daan.

PANAWAGAN KAY PNOY

Mahal na Pangulong Noynoy, pagbalik po ninyo, pupuwede bang kayo na mismo ang mag-asikaso sa problema sa basura?

Siguro, isa sa mga gagawin ninyo ang manibak sa mga inutil na opisyal ng bayan ukol sa mga basura.

Isaisip ninyo na kasimbigat ng smuggling at korapsyon ang problema sa basura at dapat lang sibakin ang mga inutil at sangkot sa mga ito.

oOo

Anomang reklamo o puna ay maaaring iparating sa programang Power Point ng RHTV o DZRH 666khz AM tuwing Sabado 3 to 4 PM, www.remate.ph o i-text sa 09214303333.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply