Basurang barko pantapat sa China?

TAMA bang takutin natin ang China sa barkong pandigma na binili natin sa Estados Unidos?

Ito raw ang gagamitin para bantayan ang kontrobersiyal na Spratly’s sa West Philippine Sea.

Away ba ang hanap ng bansang Pilipinas?

Tama bang solusyon ito para maibsan ang kumukulong isyu?

Bakit nakikialam ang Amerika sa usaping ito na puwede namang mapag-usapan nang paupo?

NEGOSYO AT HINDI GIYERA

Hindi ba’t dahil sa pera kung kaya pinag-aagawan ang Spratly’s?

Sinasabing puno raw ito ng langis kung kaya’t marami ang nag-iinteres na masakop ito.

O! Bakit hindi na lang pag-usapan kung paano makukuha ang langis nito kaysa maggirian na parang bata ang isat-isa.

Siguro naman ay mas magiging maganda ang imahe ng administrasyon ni Pangulong Noynoy Aquino kung kumikita ang bansa sa kanyang pinaggagawa.

GATUNGAN ANG GIRIAN

Para bang bata naman na nagpapasulsol ang Pinas sa ginagawa ng mga Amerikano na nagsasabing poproteksiyunan tayo sa oras na magkagulo.

Aminin man nila o hindi ay may “tulog” ang Amerika sa mga Tsino. Ito na ang kasalukuyang itinuturing na super power ng buong mundo.

BAYAD SA BARKONG BASURA

Mahigit P450M ang bayad ng Pinas sa Estados Unidos para sa barkong Hamilton Cutter na pinangalanan nilang BRP Gregorio del Pilar.

46 taong gulang na ang barko na mas matanda pa sa inyong lingkod.

Sa madaling salita ay halos basura na ito na nakatakdang itapon ng Estados Unidos.

Base sa ating kaalaman, kapag ang sasakyan sa Ame-rika ay luma na, ito ay hinahanapan ng matatapunan, na ang nagbabayad ay yung pinagtatapunan pa.

Aba! Bakit baligtad ang nangyari sa Pinas?

Ganito na ba talaga katanga ang Pinoy?

KATWIRAN NG KANO

Hindi raw luma ang barko dahil parang bago na raw ito ngayon.

Nilagyan pa nga raw nila ito ng 5 bagong 3-inches (76-MM) na machine gun at bagong hilamos pa nga raw!

Aba’y gago! Ginawa na namang tanga ang taumbayan.

Para bang sinabi ng mga Kano na kapag mayroon kang Toyota na 1970 model at pinalitan mo ito ng stereo at hinilamusan, ay puwede mo na itong ibenta sa Pinoy.

Ano tayo, kolektor ng Antique?

YOUNGEST FILIPINO GENERAL

Si Gregorio del Pilar, sa edad na 22, ang pinakaba-tang heneral sa kasaysayan ng Pilipinas.

Aba’y kung hindi ba naman gunggong ang nagbigay ng pangalan ng barko. 46 anyos ang basurang pinangalanan n’yo ng ginagalang nating bayani?

KAKAMPI ANG HANAPIN NI PNOY

Sa pagpunta ni Pangulong Noynoy sa bansang China ngayong linggong ito, baunin n’ya sana ang payo ng ULTIMATUM na gawan ng paraan na magamot ang sugat na dulot sa usapin ng Spratlys.

Hindi po natin sinasabing isuko n’ya sa dayuhan ang ating lupain pero ang saganang atin ay solusyunan sa isang maayos na paraan ang usapin.

Yun bang === Pinoy ang makikinabang at hindi ang puting nagsusulsol lamang.

UZI TEXT

Text message ng mga UZIserong buwisit sa sistema sa Pinas.

cct gamitin sa ospital, dengue
Idol Benny. Sana yung conditional cash transfer ay gamitin na lang sa pagsasaayos sa mga lumang ospital ng gobyerno at pambili ng gamot na kailangan ng tao laban sa sakit na dengue. Hindi yung pampasikat lang nina Dinky Soliman at Enrique 0na na wala namang ginawa kundi M@*&%. +63939397…

public elem sch p400 ang singil
Gud am po, Sir. Pakiim-bestigahan ninyo ang Department of Education-Palawan, lalo na ang mga elementary public school. Almost P400 ang bayarin kahit government school ang mga ito. Tama ang namayapang si Doc. Gerry Ortega na nag-sabing walang napakikina-bangan ang mamamayan sa pamahalaan.  +63946725….

kontra aksidente sa skyway-slex
Magandang umaga po, Bro. Benny Antiporda. Nabasa ko po ang ULTIMATUM ukol sa Skyway sa SLEX na kinahuhulugan ng mga sa-sakyan. Panalangin po ang kasagutan diyan. Sigurado po ako na Salmo 91 ng Biblia ang magliligtas sa mga motorista. God bless po. +63906285….

kotong cops sa alabang
Gud am po. Magtatanong lang sana ako kung saang opisina pupuwedeng lumapit ukol sa problema namin. Totoo bang kailangan ng clearance pass para makaraan ang mga 6-wheeler truck sa service road ng Alabang? Hinuhuli kasi kami kaya naglalagay na lang kami sa mga pulis para hindi matiketan. Nabasa ko po sa Remate ngayon ang iyong programa sa isang radyo. Kaya po nag-text ako sa inyo. Salamat. +63932112….

kuryente sa aklan: p11/kwh
Sir, gud pm. Dito po sa amin sa lalawigan ng Aklan, ang taas ng bayarin namin sa kuryente. P11 ang per ki-lowatthour. Kayo sa Department of Energy, pakitutukan po sana ito. Thanks. +63930829….

reaksyon ng ating reader
Idol Benny. Bilib kami rito sa Mindanao. Aksyon ka kaagad sa aming text sa iyo. Madalas naming inaaba-ngan ang sinusulat mo sa Remate, sa ultimatum. Mabuhay ka! +6399378….

oOo

Anomang reklamo o puna ay maaaring iparating sa programang Power Point ng RHTV o DZRH 666khz AM tuwing Sabado 3 to 4 PM, www.remate.ph o i-text sa 09214303333.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply