Bata patay sa meningo sa San Mateo, Rizal

PATAY ang isang taong gulang na lalaki sa Barangay Silangan, San Mateo Rizal nang tamaan ng meningococcemia.

Ayon kay Teddy Apiladas, Head ng Municipal Disaster Risk Reduction Management Office ng San Mateo, namatay ang bata habang ginagamot sa San Lazaro Hospital sa Maynila.

Sinimulan naman agad ang pagbibigay ng prophylaxis sa mga nakasalamuha ng bata sa kanilang lugar bago siya dalhin sa ospital upang maiwasan ang pagkalat ng meningo bacteria.

Ang meningococcemia ay dulot ng bacteria na neisseria meningitides at mabilis na naikakalat sa daloy ng dugo.

Kabilang sa sintomas nito ay lagnat, stiff neck, kumbulsyon, pagsusuka, ubo, sore throat at iba pa.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply