Batam-batang misis kinatay ng mister

SELOS ang tinitingnang anggulo ng pananaksak sa 18-anyos na misis ng kanyang kinakasama sa Pandacan, Manila kaninang madaling-araw.

Kinilala ang biktimang si Jugene Sibugan, ng 2406 – B Laura St., Pandacan, Manila, habang mabilis namang tumakas ang itinurong suspek na si Junel Calino, 35, ng Pangasinan.

Sa ulat ni Det. Giovanni Valera kay P/Sr. Insp. Armando Macaraeg, hepe ng Manila Police District-Homicide Section, dakong 7:00 ng umaga nang matuklasang tadtad ng saksak sa katawan at wala nang buhay ang biktima.

Nabatid na bago ang krimen, nagpaalam ang biktima na dadalo sa isang birthday party sa Sampaloc, kasama ang kaibigang si Carmi, 27.

Pinayagan naman siya ng mister, pero nang lumalalim na ang gabi ay nagawa nang itext ito ni mister para pauwiin.

Bandang 10:00 ng gabi nang umuwi ang babae kung saan naabutan umano ang mister nito na nakikipag-inuman sa mga kaibigan.

Pag-uwi ng suspek ay dito naman siya inaway ng biktima hanggang sa pagsasaksakin ng una ang huli bago tumakas.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply