BBQ stick ginamit sa panghoholdap

BARBEQUE stick ang ginamit sa panghoholdap sa isang lalaki ng dalawang hindi pa nakikilalang kalalakihan habang ang una ay naglalakad sa Caloocan City Miyerkules ng gabi.

Sa pahayag ng biktimang si Neil Masanque, 41, ng Alkalde St. Gagalangin Tondo, Manila, dakong alas-9:50 ng gabi, naglalakad siya sa Rizal Avenue ext., 10 Ave. ng lungsod nang sabayan siya ng mga suspek kung saan isa dito ang nanutok ng barbeque stick sa leeg.

Hindi na rin pumalag ang biktima dahil dalawa ang mga suspek at napilitan na lamang siyang ibigay ang kanyang Nokia cell-phone at P40.

Matapos makuha ang pakay ay agad na tumakas ang mga suspek habang nagpunta naman sa presinto ang biktima upang magreklamo.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply