Bebot binoga sa Malate, tepok

PINAGHAHANAP ngayon ang dalawang hindi nakilalang mga suspek na namaril sa 56-anyos na babae sa loob ng mismong bahay nito sa Malate, Manila, umaga ng Lunes, Agosto 29.

Ayon sa report ng dzBB, idineklarang dead on arrival sa Ospital ng Maynila bunsod ng tinamong tama ng bala ng baril sa dibdib, lalamunan, at tagiliran.

Nabatid na pumasok ang isa sa suspek sa bahay ng biktima at nagpaputok ito ng baril pagkatapos ay kaagad na lumabas kung saan naghihintay ang kanyang kasama sakay motorsiklo na ginamit nila upang tumakas.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply