Bebot natagpuang patay sa Kyusi

NATAGPUAN ang bangkay ng isang hindi pa nakikilalang babae na hinihinalang biktima ng panggagahasa sa Quezon City kaninang umaga (Biyernes, Agosto 26).

Inilarawan ng pulisya ang biktima na tinatayang nasa edad 14 hangang 16, semi-kalbo ang buhok, may tattoo na: JoMark Bahala Na Gang (BNG) sa likod, nakasuot ng itim na T-shirt, subalit walang suot na short at under wear.

Ayon kay SPO2 Roldan Dapat, desk officer ng Quezon City Police District Criminal Investigation and Detection Unit (QCPD-CIDU), nakita ang bangkay ng biktima dakong alas-7:00 ng umaga (kanina) sa isang bakanteng lote ng Phil-Am South bound Edsa, QC.

Base report, may sugat sa ulo ang biktima na palatandaang pinalo ito ng isang matigas na bagay sa ulo.

Maliban dito, nakagapos rin ng plastic straw ang dalawang kamay at may nakataling sintas ng sapatos sa leeg at natagpuan sa tabi nito ang isang plastic ng rugby.

Hinala ng mga awtoridad posible umanong ginahasa muna ang biktima na umano’y pinaniniwalaang rugby girl bago pinatay ng mga salarin.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply