Bentahan ng litson pasisiglahin ng organikong baboy

TIYAK na pasisiglahin ng produksyon ng organikong baboy ang bentahan ng litson bilang natatanging pagkaing Pinoy at makakatulong pa sa pagpreserba sa indigenous pig species at makapagbibigay pa rin ng kabuhayan sa mga naninirahang malalayo o liblib na lugar.

Ito ang positibong pagtingin ng Bureau of Animal Research (BAR) ng Department of Agriculture (DA) na naglahad sa kanilang opisyal na press statement na ang pagpapalaki at produksyon ng native na baboy na isinagawa ng 10 magsasakang cooperators sa Southern Luzon ay magpapatibay sa kakaibang kultura ng Pilipinas sa paghahain ng litson sa mga espesyal na okasyon.

“It can consequently carve a niche for the Philippines that can make lechon, a roasted pig deemed as a delicacy, internationally-renowned,” ani Dr. Nicomedes P. Eleazar, executive director ng BAR na nagpondo sa nasabing programa.

Ang programang “Conservation, Evaluation and Commercialization of the Philippine Native Pigs” ay isinagawa sa tatlong probinsiya na kinabibilangan ng Laguna, Batangas, at Quezon.  Ngunit ang unang 10 magsasakang cooperators ay mula sa Quezon at Laguna.

Sinabi naman ni Dr. Rene C. Santiago, hepe ng National Swine and Poultry Research and Development Center (NSPRDC), ginagamit ng programa ang organikong materyal mula sa pangkaraniwang baboy na nasa bansa.

“Upon seeing the advantage of raising pigs which gives big savings in the cost of feeds and materials for housing, farmers who are growing commercial hogs have started adding native pigs to their herd,” sabi pa ni Santiago.

Isusulong din ng pamahalaan ang produksyon ng native na baboy sa komersiyal na mga babuyan bilang kakaibang produkto para sa mga mahilig sa organiko at masustansiyang pagkain.

Bukod kasi sa makakatipid sa pag-aalaga ng organikong baboy dahil sa mas mababang halaga ng magagastos sa feeds, mas mataas din ang presyo nito sa pamilihan sapagkat malusog ito, likas na organiko at dekalidad na pagkain.

Nasa P100 hanggang P180 ang farm gate price ng organikong baboy habang nasa P95 ang pangkaraniwang komersiyal na baboy.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply