Bentahan ng unborn baby paiimbestigahan

PAIIMBESTIGAHAN ng isang senador sa kinauukulang komite ng Senado ang illegal trafficking ng unborn babies sa bansa.

Ginawa ni Sen. Miriam Defensor Santiago ang kahilingang ito matapos kumpirmahin ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na ito ang bagong modus operandi ng child trafficking sa bansa.

Dalawang kaso ng illegal trafficking ng unborn babies ang natumbok ng DSWD sa nakalipas na dalawang taon, isa dito ay sa Austria at isa dito ay sa Malta.

“It was reported that the modus operandi is for the pregnant mother to go to a particular country with the intent of having the child adopted. It is prearranged plan to giving birth there, then the newborn baby is eventually adopted abroad,”ani Santiago.

Binigyang-diin ng senadora na labag sa Republic Act 9208 o ang “Anti-Trafficking in Persons Act of 2003” at sa Republic Act 8043 o ang “Inter-Country Adoption Act of 1995 ang pagpapa-ampon ng bata na ipinanganak sa ibang bansa.

Binanggit ng senadora na talamak na ang illegal trafficking ng unborn babies kahit na may umiiral nang sistema sa bansa para sa adoption ng mga walang magulang at inabandonang bata sa bansa

Aniya, umaabot na sa 400 hanggang 500 batang ulila at inabandona ng kanilang magulang, ang inampon ng mga kuwalipikadong foreigner matapos na dumaan sila sa
Inter-Country Adoption Board.

“It is imperative for the State to be vigilant and closely monitor the incident of trafficking of unborn babies and strictly implement our inter-country adoption laws,”giit ni Santiago sa inihaing Senate Resolution No. 572.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply