Bicol region inalarma kay ‘Mina’

PINAYUHAN ng Philippine Atmospheric, Geophysical, and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang mga residente sa Bicol Region na maghanda sa posibleng pananalasa ng Bagyong Mina.

Huling namataan ang Bagyong Mina sa 400 kilometero Silangan Timog Silangan ng Virac, Catanduanes taglay ang lakas ng hanging 45 kilometro bawat oras malapit sa gitna.

Sa panayam ng DZMM kay Department of Science and Technology (DOST) Undersecretary at PAGASA Officer-in-Charge Graciano Yumul, bagama’t hindi tatama sa kalupaan ang bagyo, magdudulot pa rin ito ng mga pag-ulan at malakas na hangin sa Eastern seaboard ng Visayas at Northeastern part ng Mindanao.

Kabilang sa posibleng salantain ng bagyo ay ang Sorsogon, Catanduanes, Camarines Norte, Samar at Leyte.

Ayon kay Yumul, wala pang nakataas na babala ng bagyo sa alinmang bahagi ng bansa.

Posible namang sa Miyerkules hanggang Biyernes pa lumabas ng bansa ang Bagyong Mina dahil mabagal ang pagkilos nito.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply