Bida ng ‘Reputasyon’ na si Cristine Reyes kinulam?

MADALAS raw magkasakit ngayon ang lead star ng pinag-uusapang panghapong teleserye na “Reputasyon” na si Cristine Reyes. Ang sabi, hindi nawawalan nang lagnat si Cristine bagay na ikinababahala ng pamilya at ng boyfriend si Rayver Cruz na leading-man ng said flawless young sexy actress sa naturang pang-hapong serye.

Na-confine sa Cardinal Santos Hospital si Cristine. Ang hindi lang namin alam ngayon ay kung nakalabas na ba ito dahil, as of now ay hindi pa rin ma-detect ng kanyang doctor kung ano ba talaga ang sakit nito. Hindi naman na-dengue ang actress kaya ang feeling ng Mommy nito ay nabati o may kumukulam sa kanyang anak. Matatandaang gumawa noon ng horror movie si Cristine. Hindi kaya may bad spirit na naligaw sa set at ito ang sanhi ng kanyang pagkakasakit kung saan taas-baba nga ang lagnat nito?

Touching, dahil pagkababa sa airport galing sa kanilang back to back show ni Yeng Constantino sa San Francisco, USA ay dumiretso na kaagad sa ospital si Rayver.

Ipinakita at ipinadama talaga ng actor ang totoo at tapat na pagmamahal nito kay Cristine kung saan dinamayan kaagad ang nobyang may karamdaman.

Samantala, dahil sa pangyayaring ito ay medyo naapektuhan ang taping ni Cristine for Reputasyon na dahil sa mga eksena nila ni Catherine Villamayor (Aiko Melendez) kung saan nasa poder na siya ng diabolical woman na tumatakbo ngayong gobernador ng kanilang bayan ay patuloy ang pagtaas ng rating ng serye at parami nang parami pa ang viewers nito.

Yes, patuloy si Agnes De Los Santos (Cristine) sa pagtuklas sa iba pang lihim ng tunay na pagkatao ni Catherine maliban sa rati itong prostitute. At dahil nabibighani na kay Agnes ang kapatid ni Catherine na si Henry played by Rayver Cruz, nakahanda itong ipagtapat sa dalaga ang lahat ng nalalaman niya tungkol sa kanyang Ate na gagawin ang lahat huwag lang maibigay kay Agnes ang manang iniwan ng namayapang mister na gobernador.

Magkakaalaman na ba talaga ng sikreto at baho? Abangan ‘yan sa Reputasyon, Lunes hanggang Biyernes pagkatapos ng Hapee Yippi Yehey!

***

‘The Buzz’  most credible showbiz talk show sa philippine local TV

IT’S Sunday again bukas, siyempre nakatutok na naman ang million viewers ng “The Buzz” sa mga hottest and controversial issues na tatalakayin ng mga hosts sa pangunguna ng the one and only King of Talk na si Kuya Boy Abunda with his three lovely and talented co-hosts Toni Gonzaga, KC Concepcion and Charlene Gonzales.

Ang The Buzz kasi ang itinuturing na most credible showbiz talk show sa Philippine Local TV. Kaya naman bawat issue na kinasasangkutan ng ating mga famous celebrity ay haharapin ng mga ito at kaagad na bibigyang linaw para sa kapakanan ng mga tumatangkilik sa kanila.

At bukas, ang ilang mga hot item na pag-uusapan sa show ay ang wedding proposal ng hunk actor na si Zanjoe Marudo sa Paris kay Bea Alonzo, kasama na ang tambalan nila ng SM Cinema’s Box Office Queen na si Toni Gonzaga sa latest movie nilang “Wedding Tayo, Wedding Hindi!”

May VTR interview rin sa balik team-up nina Sarah Geronimo at Gerald Anderson sa Star Cinema na nakatakda ng i-shoot next month. At live guest naman ang Comedy and Box Office Queen na original na alaga ni Kuya Boy, na si Ai-Ai Delas Alas kung  saan pag-uusapan nila ng kanyang Ama ang tungkol sa pagbitaw nito sa kanya bilang talent dahil gusto na nga ni Kuya Boy na i-devote ang marami niyang oras sa kanyang maysakit at pinakamamahal na Nanay Lesing.

So, kinakailangan na talagang magbawas ng work load ng pamosong TV host/Philanthropist. Magpo-promote rin siyempre si Ai-Ai ng latest teleserye nila ni Kim Chiu na “My Binondo Girl” na palabas na simula August 22 Monday to Friday sa Kapamilya Primetime Bida after “100 Days to Heaven.”

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply