Bigcas inaresto ng NBI

NASA detention cell ng NBI-Region-10 si Fil-Am businessman Lynard Allan Bigcas.

Si Bigcas ay dinampot ng mga operatiba ng NBI sa bisa ng warrant na inisyu ni Bukidnon RTC Judge Jose Yamut.

Ang arrest warrant laban kay Bigcas ay kaugnay sa kasong illegal possession of firearms and ammunitions na isinampa laban dito sa korte ng Manolo Fortich sa Bukidnon.

Nasa rotunda area sa lungsod ng Cagayan de Oro kasama ang kanyang mga kaibigan si Bigcas nang arestuhin ito ng mga awtoridad.

Nahaharap din sa kasong smuggling si Bigcas dahil sa 25 mga luxury vehicles na nakumpiska ng FBI, PNP at NBI mula sa kanyang pag-iingat noong Mayo.

Aabot sa P80,000 ang piyansa na itinakda ng korte kapalit ng pansamantalang kalayaan ni Bigcas.

Maliban kay Bigcas ay kasama ring kinasuhan sina Noeh Alcala, Gilbert Omolon, Luke Alcala, Lyann at Joshua Bigcas na pawang taga-Talakag, Bukidnon.

Lumilitaw sa rekord na si Bigcas ang registered owner ng 1999 Chevrolet Corvett na may plakang KFT-537, Harley Davidson motorcycle na may plakang OU5313 at Suzuki motorcycle na may plakang 7015JB habang nakapangalan naman kay Noeh Alcala ang dalawang 2007 Dodge Charger, Honda Motorcycle; si Omolon ang nakapangalan sa 2007 Dodge Magnum at 2006 Suzuki motorbike; habang si Luke Alcala ay registered owner ng 2008 Kawasaki motorbike; si Lyann Bigcas ay registered owner ng Honda motorcycle habang si Joshua Bigcas ay nagmamay-ari ng Bog Dog chopper at isang Suzuki motorcycle. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply