Biglang nalaos: Sipaerong Azkals sinagwan palayo ng PH Dragon Boat Team

PARANG kailan lang para tayong mga natubigang palaka sa kaka-cheer sa Philippine Football Team. Ang ingay-ingay. Ang saya-saya. Lahat ay nagbubunyi. Ang mga kababaihan naman halos mangagsipaglaglagan ang mga underwear sa sobrang paghanga at pati ang pagpantasya sa mga artistahing manlalarong ito.

Pero ngayon palamig-lamig na lang ang PH Azkals sa kani-kanilang lungga. ‘Yung iba bumalik sa kanilang mga sariling team sa Europa, at ang natitirang Fil-Am ay pagimik-gimik na lang daw muna sa iba’t ibang bar.

Samantalang si Phil Younghusband ay mas napagtutuunan na nito ng oras si Angel Locsin.

Sa sobrang kabisihan nga nina Phil at Angel, hindi na nakagawa ng mga shout-outs sa kanyang Twitter account ng ilang araw ang huli at inakala tuloy ng mga kaibigan nito e, may nangyaring masama sa kanya, ‘yun pala, nasa heaven ang aktres at wala sa purgatoryo. Hehehe!

Ngayon, iba na ang eksena. Heto ang mga pure Pinoy na Cobra Philippine Dragon Boat Team na dinomina ang limang rowing events at nag-set ng dalawang bagong world records kung saan nilampaso ang mga bansang Australia, Hungary, Italy, Trinidad and Tobago sa International Dragon Boat Federation’s 10th World Championships na ginawa sa Tampa Bay, Florida kamakailan. Ang team ay nanalo ng kabuuang limang ginto at dalawang pilak na medalya.

Nakatataba ng puso di ba?

Mga totoong Filipino, pinakain ng alikabok ang mga kalaban (ma-imagine n’yo ba’yun? pinakain ng alikabok ang mga kalaban sa sagwanan sa dagat? Hahahahaha!).

Ang titikas nila, huh! Kanin lang na may kasamang sardinas at sabay higop ng noodles ang nilantakan nila bago lumaban sa rowing ang team na ‘to, pero hayan at nanguna pa rin sila.

Pinataob nila ang mga kalabang ordinaryo na lang kung kumain ng steak at sumipsip ng soup na sagana sa sangkap.

Kaya nga hindi maiwasang maikumpara ang Azkals at ang CPDBT. Itong mga gwaping daw na maninipa ay sagana sa papa at mama may kasama pang tsiks, ito namang mga huli ay lawit ang mga dila sa kasasagwan dahil kulang sa suporta. Pero bakit daw mas nanaig ang lakas nila? Hindi kaya napurga o naimpatso sa masasarap na inumin at pagkain ang kawan ni Phil kaya nang dumating ang laban ay di gaanong makasipa dahil sa sobrang bigat ng tiyan? Ang ending, luhaan. Hahaha!

Pero ang pinakakawawa sa lahat ay itong si Amanda Coling. Ginamit niya ang Azkals para lamang makilala at makapasok sa showbiz to the point na ipinagsigawan pa niya sa buong mundo na nilawayan at nilamutak ang pagkababae niya ng apat na football player but to no avail. Pa’no pa siya makakaalagwa e, malamig pa sa yelo ang team na sinasangkalan niya sa kanyang pagsikat?

Kawawang girlita. Sana naman may makuha pa siyang raket kahit di na siya pinag-uusapan.

Anyway, ang sigaw ngayon ng mga fans ng Cobra Philippine Dragon Boat Team laban sa mga tagahanga ng Azkals, “Wala sa gandang lalaki ‘yan, sa tikas at galing ‘yan!” Hahahaha!

***

Morenang aktres tahimik pero matakaw sa sex

SOBRA raw ang kalandian ng morenang aktres na ‘to. Dahil sa sobrang kalibugan, pati konsensya ay nawala na rin sa kanya. Imagine, hanggang ngayon daw ay hingi pa ito nang hingi sa papa niyang di makauwi sa Pilipinas dahil may problema sa ibang bansa, pero sige naman ang pakasta (ano s’ya, baboy? Hahaha?) kung kani-kaninong aktor.

Ang siste pati ng girlitang ito, ayaw nito ng relasyon. Basta trip niya ang guy, churva na. Kaya naman ‘yung maputing aktor parang asong ulol na sunod nang sunod sa morenang aktres na ‘to.

Tatahi-tahimik lang ang babaing ito, huh! pero may power sa sex. Hindi raw nalo-lowbat. Hehehe!

***

Para sa inyong mga katanungan, opinyon at reaksyon, tumawag lamang o magtext sa  #09074582883 at #09351851227 o kaya’y mag-email sa kuya_abepaul@yahoon.com at maaari n’yo rin kaming silipin sa aming Facebook account, i-type lamang ang aming pangalan. Mabalos!

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply