Bigo sa pag-ibig nagbigti

“MAHAL NA MAHAL KITA JESSA PERO HULI NA ANG LAHAT!”

Ito ang huling text ng 20-anyos na lalaki matapos wakasan ang kanyang buhay sa pamamagitan ng pagbigti gamit ang electrical wire  sa kanyang tinutuluyang bahay sa 96 street Yabut Circle Barangay Guadalupe Nuevo Makati City.

Sa natanggap na report ni Makati Police Chief Senior Supt. Froilan Bonifacio, kinilala ang biktima na si Denver Bitan, tubong Cagayan Valley at kasalukuyang stay-in worker sa Canteen sa naturang lugar.

Sinubukan pang iligtas ng mga miyembro ng Rescue ng Metropolitan Manila Developement Authgority o MMDA si Bitan subalit nang dalhin sa Ospital ng Makati ay ideneklarang dead on arrival sanhi ng pagkasakal.

Sa isinagawang imbestigasyon ng pulisya sobrang lungkot nito hinggil sa kanyang nililigawang dalagita na malapit sa naturang lugar kung kaya naisipin niyang wakasan na lamang ang buhay ng binatang biktima.

Ayon naman sa pinsan nitong si Chester nag-iinuman sila habang katext ang kanyang nililigawang dalagita hanggang sa umiyak ang binata sa harap ng kanyang pinsan.

Kaagad na nagpaalam ang binata na magtutungo lamang sa comfort room subalit malakipas ang ilang minuto ay natagpuan na itong nakasabit sa kisame ng kanilang palikuran.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply