Bike ni Osang ninakaw ng lover na pulis

DINAKMA ng awtoridad ang isang miyembro ng Quezon City Police District (QCPD) dahil sa pagtangay sa bisikleta ng sexy actress na si Rosanna Roces.

Kinilala ang suspek na si PO1 Frank Ramirez, nakatalaga sa La Loma Police Station 1 ng QCPD na sinasabing kumuha sa Yamaha F216 na iniulat na nawawala noon pang Biyernes ng umaga.

Gayunman, sinabi ng kapatid ni Ramirez na si Vicky Lara, na ang lahat ng nangyari ay hindi pagkakaunawaan lamang nina Roces at ng kanyang kapatid.

Ang dalawa aniya ay may relasyon at nagkaroon lamang ng lover’s quarrel pero pinasinungalingan ni Osang at sinabing umakto lamang itong kanyang bodyguard sa kanyang mga tapings at ibang lakad.

Nakatakdang magsampa ng kasong illegal possession of firearms at carnapping ang biktima laban kay Ramirez.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply