Binababoy na ang lahat: Gobyerno, simbahan

USONG-USO ang babuyan.

Binababoy ang gobyerno, ang simbahan, ang buhay at iba pa.

Hanggang kailan matatapos ang babuyan?

Hanggang kailan masisilayan ng katinuan ang mga mambababoy?

PAMBABABOY KINA KRISTO AT MARIA

Natuturete ang mga mahihilig sa relihiyon sa isang Art Exhibit na now showing sa Cultural Center of the Philippines.

Ang artist dito na kung saan-saan niya inilagay ang mga maseselang parte ng katawan nina Hesus at Maria.

Milagrong ipinaglalagay ng artist ang mga bahagi na itinatago kung saan-saan.

Saka nito pinaglalagyan ng mga kapote na sa mga motel lang isinusuot kahit walang ulan.

Bakit ang mga Katoliko at Aglipay lang ang binababoy ng artist na ito?

Ang hamon kay artist, eh, gawin mo yan kay Allah  o kay Mohammed at tingnan lang natin kung saang kangkungan ka pupulutin.

Siyempre, mas matindi ang pambababoy ng mga Katolikong Kastilang mga obispo at pari noong panahon nina Ka Boni at Ka Pepe.

Akalain mong sa ngalan nina Hesus at Maria ay pinag-aagaw ng mga ito ang mga lupa ng mga Indio saka nila pinagpapatay ang mga umaangal, bukod sa paggawa sa mga ito bilang alipin.

Natigil na lang ito nang ibenta ng mga malulupit na Padre Damaso ang Pinas sa mga Kano.

PAMAHALAAN BINABABOY RIN

Para lang may maipakita ang mga batang Pinoy na performance para sa matuwid na daan, uso rin ang babuyan.

Lahat na ng mga transaksyon sa nakaraan ay itinuturing na masama o may halong corruption at gusto nilang ipakulong ang mga may gawa sa mga ito.

Kesehodang may nagpapakamatay gaya ni Atty. Benjamin Pinpin.

Habang nagtatagal, lumalabas namang may korapsyon din umano ang mga may matutuwid na daan.

Ito ngayon ang maririnig sa mga awayan sa PCSO, Pagcor, DBP at iba pa.

Kahit pa sa pulisya ay napatutunayan ito ng mga ordinaryong mamamayan.

Wala na ngang pag-asa ang mamamayan na magkaroon pa ng pagbabago sa mga lansangan mula sa mga scalawag na pulis na mas matindi ang mga gawa kumpara sa mga holdaper, salisi, akyat-bahay, isnatser at iba pa.

Anomang reklamo ay maaaring iparating sa prog-ramang Power Point ng RHTV o DZRH 666khz AM tuwing Sabado 3 to 4 PM, www.remate.ph o itawag sa 09214303333.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply