Binata utas sa salpukan ng motor at bus

TODAS ang isang binata matapos salpukin ang kanyang sinasakyang motor ng isang rumaragasang pampasaherong bus kaninag madaling araw (Miyerkules, Agosto 31) sa Quirino High Way sa Caloocan City.

Dead on the spot sanhi ng pagkabasag ng bungo ang biktimang si Perigrine Abanes y Valera, 20, empleyado at residente ng Dama de Noche Pangarap Village ng nasabing lungsod.

Ayon sa ulat, dakong alas-2:45 ng madaling araw ng maganap ang insidente sa tapat ng Bankers Village Gate 4, Barangay 184 ng nabanggti na lungsod.

Nabatid na sakay ang biktima sa kanyang Suzuki motorcycle (PI-1249) nang mabangga ng rumaragasang Nissan passenger bus (TYK-448) na minamaneho ng suspek na si Ervin Araza y Abarquez, 20, binata, at residnte ng Project 8, Quezon City.

Nabatid na mabilis na nag-overtake sa isang sasakyan ang pampasaherong bus ng salpukin nito ang motrsiklo ng biktima na nagresulta sa pagkabasag ng bungo nito at naging sanhi ng agarang pagkamatay.

Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad at isang manhunt operation ang inilatag ng pulisya laban sa tumakas na drayber ng bus.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply