Binugbog ng tatay, 13-anyos nagpakamatay

MALOLOS CITY, BULACAN –– Patay ang 13-anyos makaraang magbigti gamit ang alambre matapos saktan ng kanyang tatay kahapon.

Sa ulat, 6:45 ng gabi nang makatanggap ng tawag ang istasyon ng pulisya mula sa isang concerned na may nagpakamatay umano sa Brgy. San Pascual, Hagonoy, Bulacan.

Agad namang nagpadala ng mga tauhan si PSupt. Santos at nakumpirma ng awtoridad na nagbigti ang biktimang menor na edad na itinago sa pangalang Jeff,second year high school student, ng Barangay San Pascual, Hagonoy.

Nabatid na 10:30 ng gabi nitong Agosto 13 nang matagpuan ng kanyang ate si Jeff na nakabigti gamit ang alambre sa veranda ng ikatlong palapag ng kanilang bahay.

Base sa iniwang suicide letter ng biktima, lumalabas na nagpakamatay ang biktima nang sumama ang kanyang loob sa kanyang tatay nang saktan siya ng huli.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply