Birthday ng anak hinabol, pulis utas sa aksidente

TODAS ang isang pulis matapos sumalpok ang dalang motorsiklo sa 10-wheeler truck sa Brgy. Taloc Bago City, Negros Occidental.

Dead on arrival sa pagamutan si PO1 Martin Sioson, 27, intelligence officer ng Bacolod City Police Station-8 dahil sa malubhang sugat na natamo sa naturang aksidente.

Sa imbestigasyon, papauwi na sana ang biktima sa kanilang bahay sa Brgy. Napolis, Bago City nang mabangga ng kasalubong na sasakyan.

Nabatid na nakainom ng alak ang pulis at pinayuhan pa ng mga kasamahan na huwag na lang munang umuwi dahil gabi na. Ngunit sa kabila ng pakiusapan ay nagpumilit pa rin itong umuwi dahil hahabulin niya umano ang birthday party ng anak.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply