Bishops humanga kay Zubiri

NAPAHANGA ni Senador Juan Miguel Zubiri ang mga obispo ng Simbahang Katoliko matapos ang kusang pagbibitiw nito sa puwesto kasunod ng alegasyon na nakinabang ito sa dayaan noong 2007 senatorial elections.

Kaugnay nito, hinamon din ng mga Catholic bishops si dating Pangulo at ngayon ay Pampanga 2nd District Rep. Gloria Macapagal-Arroyo, gayundin ang iba pang mga pulitiko na tularan si Zubiri at aminin kung talagang nandaya sila sa halalan.

Ayon kay Sorsogon Bishop Arturo Bastes, umaasa siyang magiging ehemplo si Zubiri at makatutulong ang ginawa nito upang tuluyan nang malinis ang proseso ng halalan sa bansa.

“I admire him for being honest to himself. He’s conscience maybe hurt and bothered him. I admire him and I hope that his action will clean the electoral process,”  ani Bastes, sa panayam ng church-run Radio Veritas.

Giit ni Bastes, ang isang repentance sinner ay “santo” sa paningin ng Panginoon.

“She cannot resign anymore. Maybe she should admit that she cheated wither she won or not. She should admit that she cheated. Repentance sinner is a saint before the Lord,” ani Bastes.

“Oo, dapat tularan. All the cheaters in election should resign if they are still in office,” ayon pa sa Obispo.

Naniniwala si Bastes na kung gagawing ehemplo ng mga government official na nandaya sa halalan ang ginawa ni Zubiri at susundin ang konsensiya nito ay magandang senyales ito nang pagiging isang tunay na Kristiyano.

“Maganda yan. That is a sign of being Christian again. I saw in TV itong si Migs Zubiri and then he said he was raised as a good Catholic, a good Christian, he’s conscience and he is doing what is right. I talk to other politicians to follow his example. To follow Zubiri’s conscience. To follow the right thing based on our Catholic teachings,” aniya pa.

Samantala, nagkakaisang sinabi nina Cotabato Auxiliary Bishop Jose Collin Bagaforo, CBCP-NASSA chairman Bishop Broderick Pabillo, Caloocan Bishop Deogracias Iniguez,Sorsogon Bishop Arturo Bastes at Marbel Bishop Dinualdo Gutierrez na isang magiting na gawain ang pagre-resign ni Senador Zubiri.

Naniniwala din ang mga Obispo na ang ginawang pagbibitiw ni Zubiri ay magiging daan para tuluyang malinis ang electoral process sa bansa at mapanagot ang mga nasa likod ng malawakang pandaraya sa halalan.

Anila, ang ginawa ng Senador ay kahanga-hanga bunsod ng humility at honesty.

Umaasa rin ang mga ito na magsisilbing wake-up call sa lahat ang ginawa ni Zubiri at ituloy ang imbestigasyon sa naganap na election fraud noong 2004 at 2007.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply