BJMP exec binoga ng 2 maskardong suspek

NAGKABUTAS-BUTAS ang katawan ng isang opisyal ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) sa Kalinga province nang halinhinang pagbabarilin ng dalawang maskardo at armadong lalaki habang nagdya-jogging sa Tabuk City, Lunes ng madaling-araw.

Dead on the spot sanhi ng tinamong tama ng bala ng kalibre 45 at 9mm sa iba’t ibang parte ng katawan si Reynante Bagay, 47, opisyal ng BJMP-Kalinga.

Nahaharap naman sa blangkong pader ang pulisya sa pagkakakilanlan ng mga suspek na inilarawang nasa 25-30-anyos, kapwa may taas na 5’5, nakasuot ng bonnet, T-shirt at maong pants.

Ayon kay Senior Police Superintendent Ernesto Gaa, Kalinga provincial police director, naganap ang insidente dakong 4 ng madaling araw sa Hilltop, Tabuk City, Kalinga.

Bago ito, nabatid na mag-isang nag-jogging ang biktima sa nabanggit na lugar nang sabayan ng dalawang suspek sa pagtakbo at sa hindi pa malamang dahilan ay bigla na lamang siyang pinagbabaril bago nagsitakas sa hindi malamang direksyon.

Hinala ng pulisya na may kaugnayan sa trabaho ng biktima ang pagpatay sa kanya.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply