Blazers sumiksik sa fourth spot

SUMIKSIK sa fourth spot ang College of Saint Benilde Blazers matapos nilang gapiin ang Emilio Aguinaldo College Generals, 80-68 kaninang hapon sa nagaganap na penultimate round ng 87th season NCAA men’s basketball tournament sa The Arena San Juan City.

Pumutok si Jonathan Grey ng double-double performance (17 puntos at 12 rebounds) upang iakyat ang Blazers sa fourth spot kung saan ay kasama nila ang guest team Lyceum of the Philippines Pirates na may parehong 4-5 win-loss slate.

Sa first canto ay umarangkada muna sa opensa si Mark Romero ng anim na puntos habang nag-ambag sina Juan Taha, Timothy Mccoy at Carlo Lastimosa ng tig lima, apat at tatlong puntos upang umabante agad ang Blazers 18-11 papasok ng second quarter.

“We have a good start and we’re happy to be in the top four.” wika ni CSB head coach Richrad Del Rosario.

Sumegundo kay Grey sa opensa sa buong laro ay si Romero na nagtumpok ng 12 points, limang boards at tatlong assists habang si Lastimosa ay tumulong ng 10 pts.

Ayon kay Del Rosario malaki ang tsansa nilang makapasok sa final four subalit magiging mahirap pa rin para sa kanyang koponan ang tatahaking landas.

“inconsistent ‘yung laro namin sa first round and it’s going to be tough sa second round dahil 1 game ahead lang kami sa mga sumusunod na teams sa amin.” sabi ni Del Rosario.

Samantala, itinapon sa labas ng playing court sina Juan Taha ng CSB at EAC rookie player Elyzer Paguia matapos silang magsuntukan sa third period.

Sa Biyernes ay may posibilidad na magkaroon ng three-way tie sa fourth place ng team standing kung mananalo ang Jose Rizal University Heavy Bombers sa Letran Knights.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply