Blue Eagles nakaiwas sa suwag ng Tamaraws

MULING tinanghal na mananagip ng Ateneo de Manila ang prized rookie na si Keifer Ravena na gumawa ng back-to-back lay-up tungo sa extra period kasunod ng 63-all na regulation.

Subalit  ang veteran eagle na si Nico Salva na pumuntos ng 18 ang nagtop score sa Katipunan team ni Coach Norman Black na naghatid sa walang bahid na 8 panalo papalapit unang slot ng final four ng UAAP seniors basketball tournament ng pagwagihan ang laban sa Far Eastern University Tamaraw sa score na 74-67 sa Smart-Araneta Coliseum noong Sabado ng hapon.

Bukod sa 18 ni Salva, bumuslo si Ravena ng 15 at Greg Slaughter ng 14. Sa koponan ng FEU Tamaraws, 17 puntos ang itinala ng star forward na si RR Garcia, bukod sa 6 assists at 4 rebounds na sinundan ni Terrance Romeo ng 11 points, 6 rebounds at 3 asasists.

Nakagawa naman ng record ng pinakamalaking kalamangan ang National University Bulldogs na 40 puntos sa 91-51 kontra University of the East Red Warriors na nalaglag sa kanilang ika-7 talo.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply