Blue Ribbon pinalagan sa chopper probe

LANTARANG pinalagan ng isang abogado ang pagpapakulong ng Senate Blue Ribbon Committee sa pamumuno ni Sen. Teofisto Guingona III kay Rowena del Rosario, dating bookkeeper ng LTA Inc., matapos itong kasuhan ng contempt sa chopper scam probe.

Ayon kay Atty. Nunilo Marapao, legal counsel ni Del Rosario, lubhang hindi parehas ang Guingona committee sa pagsasabing nagsisinungaling at pag-iwas ang kanyang kliyente dahil sinagot nito ang lahat ng katanungan nang matapat at sa abot ng kanyang nalalaman.

Dumalo si Del Rosario sa imbestigasyon ng Guingona committee sa maanomalyang bentahan ng lumang helicopter na pag-aari ni dating first gentleman Mike Arroyo sa Philippine National Police (PNP) noong 2009.

“If you read the order, it is unfair because in the first place, she never evaded any questions. She tried as much as possible to answer the questions of the senators to the best of her knowledge. She cannot invent answers just to please them,” ayon kay Marapao.

Sinabi pa ni Marapao na naging matapat lamang si Del Rosario ang kanyang sarili, at ginawan nito ang lahat ng kanyang makakaya upang makipagtulungan sa komite ni Guingona.

“Sinagot niya ang lahat ng katanungan alinsunod sa kanyang nalalaman hinggil sa katotohanan,” ayon pa kay Marapao.

Aniya, nagbigay ng mali at hindi makatotohanang testimonya si Guingona na siyang basehan nang ipaaresto siya ni Guingona nitong Lunes, Agosto 22.

“Ms. Del Rosario was in fact, very consistent with her answers. She did not offer any false testimony, For instance, how can she testify that the transactions pertaining to the helicopters were in the books of the LTA, when she knows that they are not? Alangan namang sabihin niya na andun? ” giit ni Marapao.

Ipinakikita ng kautusan sa pag-aresto ang kawalan ng parehas at pantay na pagtingin sa mga testigo dahil gusto ng mga senador na madinig ang gusto nilang mapakinggan.

“The order of arrest speaks for itself and shows how unfair it is to my client. The senators just want to hear what they want to hear.  She cannot testify to something that she has no knowledge of,” aniya pa. Ernie Reyes

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply