BMW Xpo 2011

HINDI alintana ng mga parokyano ng BMW automotive brand ang malakas na bagyo at dumalo pa rin sila sa naganap na BMW Xpo noong nakaraang linggo (Hulyo 30-31) sa NBC Tent, Taguig.

Dito unang nasilayan ng publiko ang pinakabagong mga sasakyan mula sa nasabing tanyag na luxury brand: ang 1 Series M Coupe at 6 series convertible.

Matatagpuan rin ang ilan sa mga kilalang (at updated) modelo ng BMW na tulad ng BMW X3 at BMW 5 series. Naroon din ang ilan sa mga BMW Motorrad models tulad ng 2011 BMW G650 GS at S1000RR superbike na para sa mga mahihilig sa motor.

Para sa mas lalong kumpleto na BMW Experience, ang ilan sa mga bumisita sa Xpo ay binigyan ng pagkakataong makapagtest-drive ng ilan sa mga pinakabagong modelo ng BMW sa loob ng Bonifacio Global City.

Mayroon ding booth na naka-set up kung saan iba’t ibang BMW merchandise ang maaaring pagpilian at bilhin ng mga bisita – mga T-shirts, limited edition na relo at miniature BMW cars, baseball caps, at ultimo mga laruang sasakyang BMW na maaaring sakyan ng mga bata.

Ang Asian Carmakers Corporation ay ang opisyal na distributor at importer ng BMW sa Pilipinas.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply