BoC Commissioner Alvarez mananatili sa puwesto

MANANATILI sa kanyang puwesto si Bureau of Customs (BoC) commissioner Lito Alvarez.

Ayon kay  Presidential Spokesman Atty. Edwin Lacierda, wala pa silang natatanggap na impormasyon na katulad nito kaya maging ang Pangulong Benigno Aquino III aniya ay walang alam sa sinasabing pagbibitiw sa puwesto ni Alvarez.

Sa ulat, sinasabing inabandona na ni Alvarez ang kanyang puwesto sa gitna ng nabulgar na katiwalian sa BoC kung saan ilang container van ang nakalusot.

Binigyang diin ni Sec. Lacierda na  si Alvarez pa ang rin ang Customs commissioner para sa Chief Executive.

Lumutang ang balitang si dating Rep. Ruffy Biazon na senatorial candidate ng Pangulo sa 2010 elections ang napipisil ng Punong Ehekutibo na ipalit kay Alvarez.

Bukod kay Biazon, sinasabing papasok na rin sa OWWA si Rissa Hontiveros-Baraquel, kapalit ni administrator Carmelita Dimzon.

Habang si Ramon Jimenez na galing sa advertising sector ay napaulat ding itatalaga bilang tourism secretary kapalit ng nagbitiw na si Alberto Lim.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply