BoC Commissioner nagbabalot-balot na

NABABALOT-BALOT na ng mga gamit si Bureau of Customs (BoC) Commissioner Angelito Alvarez, kasunod ng pahayag ni Pangulong Benigno Aquino III na papalitan ito sa puwesto.

Sinabi ni Alvarez na bilang presidential appointee, nakasalalay lamang umano sa kagustuhan ng pangulo ng bansa ang pananatili nito sa katungkulan.

“I serve at the pleasure of the President. As a presidential appointee we are aware that we can be replaced anytime. I respect his decision. I will start packing my bags,” ani Alvarez.

Binanggit ng Pangulo na hindi na siya kontento sa performance ni Alvarez  kaya napipinto na ang pagsibak dito.

Maalala na noong nakaraang linggo, kumalat na ang mga balita hinggil sa pag-resign ng kalihim subalit mariin itong pinabulaanan ng BoC chief.

Sinabi pa ni Alvarez na pakana lamang umano ng kanyang detractors ang pagkalat ng nasabing balita.

Nabanggit pa ng Pangulo na nakausap na niya ang magiging bagong mamumuno sa BOC.

Ang pahayag ng pangulo ay kasunod ng pagkakawala ng libu-libong container van sa ahensya.

Kinumpirma rin ng pangulo na tinanggap na ng bagong uupo sa BOC ang kanyang alok na pwesto at sana’y hindi na magbago ang isip nito.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply