Bodega ng smuggled goods sinalakay ng BoC

SINALAKAY ng Bureau of Customs (BoC) ang isang bodega sa Binondo, Maynila na hinihinalang pinagtataguan ng smuggled goods at minamantine umano ng mga inidibidwal na nagsusuplay ng  counterfeit goods sa mga manininda ng 168, 999 at 1159 malls sa Divisoria.

Ikinasa ang pagsalakay base sa Letter of Authority na ipinalabas ni Customs Commissioner Angelito Alvarez dahil sa pagkumpiska sa mga pekeng branded merchandise kabilang ang bags at wallets na pawang dala ang high-end labels tulad ng  Lacoste, North Face, Loius Vuitton, Coach, Adidas at Gucci.

Si Alvarez na kasama mismo sa pagsalakay ang nagsabi na ang mga nakumpiska ay aabot sa P300 milyon.

Ang bodega ay nasa ika-apat na palapag ng ACLEM building sa Binondo. Ang umuokupa rito ay isang nagngangalang Gou Jing Wun na ang nationality ay hindi pa mabatid.

Natagpuan ng mga raiding team ang kopya ng invoices at delivery receipts na posibleng maestablisa ang business link sa warehouse owners sa mga tenant naman ng 3 mall.

Sinabi ni  Zsae de Guzman, chief ng BoC’s Intellectual Property Rights Division na ang matagumpay na pagsalakay ay dahil sa magandang trabaho ng ahensya at sa pakikipagkoordinasyon sa National Bureau of Investigation.

Inatsan ni Alvarez si CIIS director Filomeno Vicencio, Jr. na magsagawa ng imbestigasyon para malaman kung paanong nakalalabas ang smuggled goods sa customs at paano makikilala ang mga consignees at ang kanilang kasabawat sa BoC.

Ayon kay Alvarez, sisirain nila agad ang mga nakumpiskang items matapos ang forfeiture proceedings.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply