Bookkeeper ng mga Arroyo binisita ng asawa

DINALAW ng kanyang mister ang dating bookkeeper ng pamilya Arroyo habang nakakulong sa Senado.

Si Rowena del Rosario ay ikinulong matapos ma-contempt sa isinagawang pagdinig ng Senate blue ribbon committee kaugnay ng kontrobersiyal na PNP chopper scandal.

Bukod sa asawang si Rolly del Rosario, dumalaw din kay Del Rosario ang abogadong si Atty. Michael Gerard Hernandez.

Isinailalim na rin si Del Rosario sa medical check-up kung saan ayon kay Senate Sgt. at Arms chief Jose Balajadia, nasa mabuti namang kalagayan ang kalusugan nito.

Nakabantay naman kay del Rosario ang dalawang guwardya ng Senado sa detention room nito sa may basement ng Senado habang ipinagbabawal pa rin ang mga media.

May suplay na pagkain at may bathroom, cabinet, salamin, kama at air conditioned unit ang detention room ni Rowena.

Ayon kay blue ribbon committee chairman Sen. Teofisto Guingona III, makakalabas

lamang ng kulungan si Del Rosario kung sasabihin ang katotohanan kaugnay ng iskandalo na bumabalot sa pagbili ng Pambansang Pulisya ng dalawang lumang helicopters na sinasabing pag-aari ng pamilya Arroyo.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply