Bookkeeper ni FG ipinaaaresto na

IPINAAARESTO na ng Senate Blue Ribbon Committee ang bookkeeper ng kompanyang pag-aari ng pamilya ni dating first gentleman Mike Arroyo nang tumangging ilantad ang katotohanan sa lease agreement sa limang helicopter sa Lion Air Inc.

Nabatid na ang utos ay makaraang pirmahan ng 12 senador ang mosyon sa pagpaparesto kay Rowena Del Rosario kaakibat pa rin sa maanomalyang bentahan ng lumang helicopter sa Philippine National Police (PNP) noong 2009 na kanyang pinabulaanan pag-aari ni Arroyo.

“All the resource persons who are here are requested to go back on Thursday and, Ms. Rowena Del Rosario, you are requested to stay until we will validated the documents you submitted,” ayon kay Sen. Teofisto Guingona III, chair ng komite.

Si Del Rosario ang bookkeeper ng LTA mula 2001 hanggang 2011 at itinalaga naman ni dating Pangulo, ngayon Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo  bilang miyembro ng Board of Trustees ng Pag-IBIG funds noon,

Naunang kinuwestiyon nina Sen. Panfilo Lacson at Sen. Jinggoy Estrada ang “pinagtahi-tahing testimonya ni Del Rosario dahil kaduda-duda ang pahayag nito na nagbayad ng $500,000 ang LTA sa Lioin Air bilang advance rental payment noong 2003.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply