Bookkeeper ni FG, pinigil sa kasinungalingan

HINDI pinayagan ng Senate Blue Ribbon Committee na makauwi ang bookkeeper ng kompanyang pag-aari ng pamilya ni dating first gentleman Mike Arroyo matapos umiwas na ilantad ang katotohanan sa lease agreement sa limang helicopter sa Lion Air Inc.

Ganito ang resulta ng ika-apat na imbestigasyon ng Blue Ribbon Committee sa maanomalyang bentahan ng lumang helicopter sa Philippine National Police (PNP) noong 2009 na pinabulaanan ni Arroyo bagkus inarkila lamang sa Lion Air.

“All the resource persons who are here are requested to go back on Thursday and, Ms. Rowena Del Rosario, you are requested to stay until we will validated the documents you submitted,” ayon kay Sen. Teofisto Guingona III, chair ng komite.

Si Del Rosario ang bookkeeper ng LTA mula 2001 hanggang 2011 at itinalaga naman ni dating Pangulo, ngayon Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo  bilang miyembro ng Board of Trustees ng Pag-IBIG funds noon.

Naunang kinuwestiyon nina Sen. Panfilo Lacson at Sen. Jinggoy Estrada ang “pinagtahi-tahing testimonya ni Del Rosario dahil kaduda-duda ang pahayag nito na nagbayad ng $500,000 ang LTA sa Lioin Air bilang advance rental payment noong 2003.

Ngunit, sinabi ni Lacson na paano magkakaroon ng bayaran ang LTA Inc., at Lion Air Inc., noong 2003, kung nagkaroon ng lease agreement noong 2004 sa kasagsagan ng halalan.

Ibinayad ni Del Rosario ang $500,000 o aabot sa P25 milyon sa pamamagitan ng wire telegraphic transfer sa bank account ng Robinsons Helicopter sa US bilang advance rental payments sa limang helicopter.

“Wala po akong alam sa kontrata nila,” ayon kay Del Rosario.

Sinabi ni Del Rosario na inutusan siya ni Rep. Arroyo na magbayad ng advance rental payment sa Lion Air sa pamamagitan ng pagpapadala ng naturang halaga sa bank account ng Robinsons Helicopter para sa lease agreement sa limang helicopter.

“Kung ano lang po ang inuutos iyon lang po ang ginagawa ko,” ayon kay Del Rosario.

Naniniwala sina Lacson at Estrada na nagsisinungaling si Del Rosario kaya inihain nila ang motion for contempt dahil patuloy nitong binabanggit palagi ang pangalan ng kongresista sa bawat sagot sa katanungan ng panel.

“Hindi kapani-paniwala ang mga sinasabi mo eh, pinagtatakpan mo lang ang mga bos mo. Iyan pa ang instruction sa iyo na isasagot mo dito,” giit naman ni Estrada.

“Alam mo Rowen (Del Rosario) ikaw lang ang magus-suffer dito for evading the truth,” patapos ni Guignona.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply