Bookkeeper ni Iggy Arroyo pinalaya ng Senado

INAPRUBAHAN kaagad ang mosyon ni Sen. Francis “Chiz” Escudero na palayain ang bookkeeper ni Negros Occidental Rep. Ignacio “Iggy” Arroyo bilang pagpapakatao ng Senate Blue Ribbon Committee sa pagiging ina nito.

Sa kanyang mosyon, sinabi ni Escudero na dapat palayain na si Rowena del Rosario, bookkeeper ni Rep. Arroyo dahil may pamilya at anak itong dapat alagaan.

“She has children to attend to, and I hereby asked the committee that her arrest order be lifted and release her to her family,” ayon kay Escudero.

Sinegundahan naman ni Sen. Panfilo Lacson ang mosyon ni Escudero.

Kaagad naman inaprubahan ni Sen. Teofisto Guingona III ang mosyon nina Escudero at Lacson sa pagsasabing may pagkiling na rin siya na palayain si Del Rosario kaya walang tutol sa naturang mungkahi.

“You are free to go on the condition you should attend for future hearings,” ayon kay Guingona.

“Maraming salamat po. Your honor,” tugon naman ni Del Rosario.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply