Bookkeeper ni FG tinuluyang ikinulong

TINULUYAN ng Senate Blue Ribbon Committee ang pagkulong sa isang bookkeeper ng kompanyang pag-aari ng pamilya ni dating First Gentleman Mike Arroyo sanhi ng pagsisinungaling at pag-iwas sa pagsagot ng katotohanan sa likod ng lease agreement ng LTA Inc., sa Lion Air Inc. hinggil sa kinuwestiyon na helicopter.

Iniulat ni Sen. Teofisto Guingona III na nilagdaan ng 12 mambabatas ang resolusyon na nagpapaaresto kay Rowena Del Rosario, dating miyembro ng Board of Trustees ng Pag-IBIG Funds, sanhi ng patuloy na pagsisinungaling sa komite.

Ginanap ang pag-aapruba sa resolusyon sa ginanap na caucus na ipinatawag ni Senate President Juan Ponce Enrile pagkatapos ng pagdinig ng komite sa iniimbestigahang maanomalyag bentahan ng lumang helicopter sa Philippine National Police (PNP) na pag-aari ni Arroyo.

Bukod kina Enrile at Guingona, lumagda din sa resolusyon sina Sens Edgardo Angara, Francis Escudero, Jinggoy Estrada, Franklin Drilon, Gregorio Honasan, Sergio Osmena III Francis Pangilinan, Panfilo Lacson, Aquilino Pimentel III at Antonio Trillanes IV.

“Naibaba na ang signed arrest order. I think right now, the Office of the Sergeant-At-Arms is effecting the arrest. She still in the building right now,” giit ni Guingona.

Inihayag pa ni Guignona na ikukulong si Del Rosario sa isang kuwarto malapit sa tanggapan ng Office of the Sergeant-At-Arms (OSAA) na pinagkulungan naman dati kiay dating  Armed Forces of the Philippines (AFP) Comptroller, ex-Brig. General Jacinto Ligot  na nakulong matapos magsinungaling din sa imbestigasyon ng Senado sa “pabaon system” sa militar.

Kasabay nito, hinikayat din ni Guingona si Del Rosario na makipagtulungan sa komite at sagutin ang lahat ng katanungan nina Lacson at Estrada at puwede na itong makalaya.

“I hope, she will cooperate with the Senate by answering all the questions of Sen. Lacson and Sen. Estrada, we will release him from detention,” patapos ni  Guingona.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply