Boto sa bida

MARAMI ang nagsasabi na kapag tumakbo ulit sa pagka-Senador si Juan Miguel Zubiri sa 2013, siguradong mananalo sya.

Dahil siguro ito sa atensyon na nakuha ni Migz noong isang araw nang ihayag n’ya ang kanyang resignasyon bilang miyembro ng Senado sa gitna ng mga alegasyon na sangkot sya sa dayaan noong halaan ng 2007.

Nanghinayang ang ilang mambabatas dahil hardworking Senador pa naman daw si Migz.

Pero sabi rin ng ilan ay magandang PR strategy raw ito ni Migz para sa kanyang 2013 Senatorial run.

Sabi sa survey, 7 sa 10 na Pinoy ay nagustuhan ang ginawang pagre-resign ni Zubiri.

Pero nagustuhan din kaya nila o tinatanggap ang giit naman ng dating Senador na hindi sya nandaya, at walang basehan ang mga kasong isinampa laban sa kanya?

Ano sa palagay ninyo?

Kayo iboboto niyo ba si Migz Zubiri kung matuloy man ang kanyang balak na pag kandidato ulit sa 2013?

Hindi naman agad makaaakyat bilang bagong Senador na kapalit ni Zubiri si Koko Pimentel.Ito naman ay isang hindi simpleng legal process o a question of law.

Oo nga at nagbitiw bilang Senador si Migz, hindi naman niya inamin na nandaya siya at hindi siya dapat na naproklama bilang nanalo laban kay Koko.

Bagkus iginiit pa nito na walang basehan ang mga bintang sa kanya na pandaraya.

Ayon sa batas, hindi automatic na papalit si Koko dahil nagbitiw si Migz.

Kailangan pa ring hintayin ang resulta ng kaso na isinampa ng kampo ni Pimentel laban kay Zubiri.

Ang nagawa lang ng pagbibitiw ni Zubiri ay ang magkaroon ng bakanteng pwesto na naman sa Senado.

Isang vacancy na hindi dali-daling mapupunan ng tulad ng naghihintay na si Atty. Koko Pimentel.

Pero bida rin si Koko dito. Dahil pinanindigan niya ang laban nya.

Maaalalang hindi na ulit tumakbo bilang Senador si Pimentel noong 2010 elections dahil tinutukan niya ang protesta laban kay Zubiri.

Hindi madali ang kanyang ginawa, mahirap mag-protesta, mahal at masyadong mabigat ang hinihinging atensyon.

Panalo sa akin ang ginawa ni Koko.

Kayo, kapag tumakbo ulit sa pagka-Senador si Pimentel sa 2013, iboboto niyo ba sya?

Mag-text po kayo sa akin sa 09209280847 o mag-email sa: ariel.inton@gmail.com.  Mahalaga sa akin na malaman ang inyong saloobin at opinyon sa isyung ito.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply