Boy Abunda, isa-isang binibitawan ang kanyang mga alaga

TAHASANG ipinapaliwanag ni Boy Abunda ang kanyang intensyong pag-iwan sa Backroom na pansamantala lamang at hindi kailanman siya magre-resign. Sa rami na ng kanyang workload ay inamin nitong nahihirapan na siya na gawin ito sa isang araw nang hindi natatapos, lalo na kailangan pa nitong ibigay ang kanyang quality time sa kanyang mahal na ina na may karamdaman.

“Inuulit ko, I’m not retiring.  I’m just taking a break, nanay needs me,” pagdidiin nito.

Isang taon na nitong inaayos ang lahat ng kinikita ng kompanya para mapupunta sa kanyang mga empleyado. Aniya, “I’m transferfing ownership of Backroom to the senior employees but I will remain a consultant. ‘Yan ang gusto kong gawin, dahil hindi ko talaga kaya. But I’m only taking a break, I’m not retiring.”

Lininaw din nito na ang branding ngayon ng Backroom ay ang pagbo-book ng mga talents sa mga show at pangalawa lamang ang management at kasunod ang special events.

Ayon sa kanya, nagkausap na sila ng kanyang talent na si Erik Santos at nagkasundo sila na hayaan na nito ang mang-aawit na hawakan ang kanyang sariling karir.

“In my last conversation with Erik Santos, kaya na niya eh, to produce his own concerts. He has now the capabilities to manage his carreer. He was being advised to go on his own and probably can be co-managed by someone.”

Sa parte naman nina Kris Aquino at Ai-Ai delas Alas, inamin nito na patuloy pa rin siya sa pakikipag-negotiagte sa mga endorsements na ginagawa ng dalawa.

On Ai-Ai, nabanggit nitong kaya na nito ang mag-set-up ng kanyang management house at pati na rin si Rufa Mae Quinto. Naniniwala siya na darating o padating sa isang talento ang kapasidad na kakayanin na nitong hawakan ang kanyang sariling propesyon para sa sariling kaunlaran.

Sa pagdalaw namin sa King of Talk Show sa kanilang SNN ni Bianca Gonzales ay natanong namin siya kung ano ang unang itatanong nito kay Nora Aunor kung matupad ang gusto nitong maka-one-on-one interview ang aktres.

Agad nitong nasabi na wala siyang itatanong dahil kahit umabot sa walong taon ang pagkawala ng aktres sa bansa ay tuloy pa rin ang kanilang komunikasyon. Inamin nitong wala pa siyang handang mga katanungan para sa Superstar pero naisip nitong bakit hanggang ngayon ay ayaw pang manirahan nito sa bansa na tiyak naman na magiging mabuti ang kanyang buhay rito.

“Baka nga it has something to do with immigration concern, etc. And  I’d love to do the interview,” sabi pa nito.

***

Sarah Geronimo sobrang kinikilig sa lalaking nagpaparamdam sa kanya

ALL the press na napagtanungan namin ay clueless sa pa-preskon ng ABS-CBN kay Vice Ganda. Does he has a new show or another concert at the dome? O baka naman, sobrang yaman na siya at gusto na nitong bilhin ang ABS-CBN, ito ang naging laman ng biruan.

Hayun, dahil hindi makaalagwa ang komedyana sa “Showtime” ay bumati na lamang sa press thru the big monitor posted at the side of the improvized stage. Nagwakas siya sa pagpapakilala kay Sarah Geronimo in flesh, alive and kicking.

Marami siyang adlibs at sumagot din ng questions pero ang nakakuha ng atensyon ay ‘yung sinabi niyang ready na siyang mag-fall-in love. Kinikilig pa ito sa pagsabing may nagpaparamdam na sa kanya at gusto naman daw niya ito. Everybody was happy to hear the revealation of the Pop Princess but in the end, it just puff-out and be- came a smoke!

Ang ending sa pakuwela ng mang-aawit ay ang pagpapakilala kay Gerald Anderson at i-welcome nila ni Vice Ganda sa Globe Prepaid Family. Tatlo na silang magpo-promote ng Globe campaign for the Gobe Super Unlimited Texting kung saan puwede nang makipagkontakan sa mga friend na iba ang network, text and call ito.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply