Boy Abunda kasama sa pinagpipilian na maging DOT chief

WALANG mabibiting programa sa bagong bihis na pamunuan ng Department of Tourism, pagtitiyak kahapon ni deputy presidential spokesperson Abigail Valte.

Ayon kay Valte, itutuloy ng magiging bagong kalihim ang mga nasimulang programa na iiwanan ng nagbitiw na si Alberto Lim.

Binigyang-diin nito na kuwalipikado at lalong mapapalago ang sektor ng turismo sa pagpasok ng bagong tourism secretary na siyang papalit kay Lim.

Kabilang sa mga pangalang lumutang na pinagpipilian umano ng Pangulong Benigno Aquino III sina Mon Jimenez, na nagsilbing presidential campaign strategist nito, TV host Boy Abunda at Ruffy Biazon.

Ayaw patulan ng Malakanyang ang pahayag ni dating senador at Tourism Secretary Dick Gordon na masamang senyales ang pagbibitiw ni Lim.

Aniya, sariling opinyon lamang ito ng dating senador at hindi dapat palakihin pa.

Sa kanilang pagkakaalam umano ay personal at nais lamang ni Lim na maglaan ng mas mahabang oras sa pamilya kaya nagbitiw ito sa puwesto.

Kung dahilan din umano ang mga kritisismo sa trabaho, hindi ito imposible dahil tiyak na maraming umalma sa mga bagong reporma na ipinakilala ni Lim pagpasok nito noon sa DOT.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply