Boy simangot sa Senado

BANSAGAN natin ang isang mambabatas na Boy Simangot dahil sa kanyang pag-aasal na mahirap pangitiin ninoman. Mula sa kanyang sasakyan patungo ng kanyang opisina hanggang sa sesyon ng Senado ay walang ibang reaksyon kundi ang sumimangot.

Sabi nga ng iba kay matang kuwago ng Remate, sayang daw ang pagiging matipuno, kakisigan ng katawan at kagapwuhan nito bilang isang lalaki na talagang lubhang machong-macho at nakalalaway.

Kaya nga ang isang kapwa mambabatas nito ay hindi nahiyang umamin na type at may gusto siya sa kapwa niya mambabatas. Yak! Kadiri naman, may asawa na’t lahat-lahat at buhay pa ang asawa lumalandi pa si senadora.

Kuwento pa nga, kahit batiin mo ang mambabatas na ito, halos napakasuwerte mo na pag bigla kang binigyan at binalikan ng ngiti ni senador suplado. Pero sa napag-alaman natin, sa kabila ng pag-uugali na ito ng senador ay lubha itong mabait. Siguro lang daw ay nadala nito ang kanyang training sa kanyang pinanggalingang field bago siya naging mambabatas.

Maging sa kanyang pakikipag-debate at pakikinig sa speeches ng kapwa niya mambabatas, walang ibang reaksyon ang mambabatas kundi ang sumimangot. Subalit laking gulat ng inyong lingkod na si matang kuwago nang biglang ngumiti ang senador nang kanyang makabeso-beso at batiin ng kanyang kapwa mambabatas .

Siyempre babae ang ka-beso-beso ng mambabatas na ito at hindi lang basta ngiti, may kahulugang ngiti. Tiningnan nga ni matang kuwago kung bigla ring may bumukol sa harapan ni Boy Simangot. Ang malupit pa nito, nasa loob ng sesyon ang asawa ng mambabatas. Ang tapang ni sir at malakas talaga ang loob.

Hindi man lamang ipinakikilala sa ibang mga senador ang kanyang asawa kaya hindi inakalang siya ang asawa ng mambabatas. Dahil bukod sa simple ay kakaiba ang kagandahan…parang mas matanda ito kay mambabatas.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply