BP ni GMA normal na

NORMAL na ang blood pressure (BP) ni dating Pangulo at ngayon ay Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo na nananatili pa ring naka-confine sa St. Luke’s Medical Center sa Global City, Taguig.

Inihayag ni Candaba, Pampanga Mayor Jerry Pelayo, nag-stabilize na ang blood pressure ni Arroyo na una nang naiulat na pabago-bago ayon na rin sa mga doktor.

Gayunman, mahigpit pa ring ipinagbabawal na makausap ang dating Pangulo at hindi pa rin tiyak kung makalalabas na ito sa pagamutan sa mga susunod na araw.

Si Arroyo ay naoperahan sa cervical spine, anim na araw na ang nakararaan.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply