Breastfeeding proteksyon sa malnultrisyon

NAKABABA ng insidente ng malnutrisyon, sakit at pagkamatay sa mga kabataan ang “Exclusive breastfeeding”ayon sa Department of Health (DOH).

Dahil dito, hinikayat ng DOH  ang mga nanay na ugaliin ang pagpapasuso sa kanilang mga bagong panganak dahil sapat ang sustansya nito para sa kalusugan ng mga baby.

Sa paglulunsad ng pagdiriwang ng National Breastfeeding Month nitong Lunes, Agosto 8, sa Quezon City Memorial  Circle pinagting pa ng DOH sa mga nanay ang kampanya sa breasfeeding dahil sa walang kapantay na sustansya at bitamina ang nakukuha dito ng kanilang mga anak.

Nakipagkapit-bisig ang DOH sa Armed Forces of the Philippines (AFP) at Quezon City Government para sa labanan ang problema sa kagutuman, pagkamatay ng mga sanggol gayundin ng mga ina. .

Ayon kay Mary Juliet Labitigan,National, coordinator, World Health Organization (WHO)- Philippines at ang breastmilk ang pinakamasustansyang  pagkain na kinakailangan ng ating mga anak mula pagkasilang hanggang sa dalawang taon.

Aniya, taglay ng gatas ng ina ang kumpletong sangkap o anti-bodies laban sa mga sakit gaya ng impeksyon sa mata, tenga, at tugon sa problema sa malnutrisyon.

Target din  aniya ng kanilang programa na maabot ang malaking bilang ng mga nanay para palaganapin ang breastfeeding mula sa middle class at mahihirap na sector  ng ating  lipunan.

“Kailangan lamang magkaroon ng sapat na kaalaman ang mga nanay para sa tamang pagpapasuso at kalinisan,” ayon  kay Labitigan.

Sa paglulunsad ng program, tinukoy ni Labitigan na may 300 mga nanay ang nabigyan ng sapat na kaalaman hinggil sa wastong pagpapasuso.

Nakilahok din dito ang 300 health workers at  300 ‘men and women in uniform’ sa AFP, Philippine Navy, Philippine Army at Philippine Air Forces.

Kasama ng DOH at  QC City Government sa paglulunsad ng naturang programa ang World Health Organization (WHO), UNICEF at AFP.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply