Brgy. Tanod ginilitan sa Iloilo

GINILITAN ng leeg ang isang barangay tanod na nabilanggo sa loob mismo ng kanyang selda sa Pototan Municipal Police Station sa Brgy. Iwa-Ilaya, Pototan, Iloilo.

Nabatid na natutulog sa loob sa loob ng selda si Rey Patubo nang saksakin ni Robert Lenis, 29, kung saan nasaksihan pa ng ina ng biktima ang pagsaksak sa kanyang anak na nanatili sa naturang police station.

Nagtamo ng 19 na saksak ang biktima na muntik nang ikaputol ng leeg nito.

Kaagad namang ni-relieve sa pwesto ang pulis na siyang nagbabantay sa selda nang mangyari ang insidente.

Isinugod pa sa ospital ang biktima ngunit idineklarang dead on arrival na ito.

Una dito, ang biktima na si Patubo ay ipinakulong ng kanyang mga kasamahan dahil sa tindi ng pagkalasing.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply