Brodkaster pinaslang sa Negros

ISANG radio blocktimer ang pinagbabaril ng dalawang motorcycle riding in tandem sa Hacienda San Jose, Barangay Damgo, EB Magalona, Negros Occidental kahapon ng hapon, Agosto 22.

Base sa imbestigasyon ng PNP EB Magalona, ang biktima ay nakilalang si Niel Aranga Jimena, 42, ng Hacienda Teresa, Barangay Alicante in EB Magalona.

Bandang 5:30 ng hapon ng Lunes, Agosto 22, habang sakay ng isang motorsiklo si Jimena nang habulin siya ng mga suspek na nakasakay din sa isang motor at pinaputukan ito.

Nadala pa sa Teresita L. Jalandoni ang biktima na nagtamo ng limang tama ng kalibre .45 ngunit idineklarang dead-on-arrival ito ng mga doktor.

Ayon sa pulisya, ito na ang pangalawang beses na binaril ang biktima. Una ay noong Setyembre na nagtamo lamang ng tama sa puwit at siya ay nakaligtas.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply