BRP Gregorio del Pilar pinasinayaan ni PNoy

PINANGUNAHAN ni Pangulong Benigno “PNoy” Aquino III pagpapasinaya sa pinakabago at pinakamalaaking surface combatant ship ng Philippine Navy, ang BRP Gregorio del Pilar sa Manila South Harbor kaninang umaga (Lunes, Agosto 23).

Ang 378-foot Hamilton class vessel ay nabili ng Pilipinas sa U.S. Navy sa ilalim ng United States Excess Defense Act, gamit ang pondong nalikom ng gobyerno mula sa Malampaya project ng Department of Energy.

Ayon kay Navy Flag Officer- in-Command Vice Admiral Alexander Pama, ang barko ay mayroong 180 crew capacity members at tinuturing na pinakamalaking “surface combatant ship” ng hukbong dagat.

Kabilang sa mga pangunahing pasilidad ng barko ay helicopter flight deck at retractable hangar bukod sa mga nakakabit na original armament nito na gamit ng US Coast Guard. Ang 378-foot vessel ay kargado rin ng armament and weapons system, propulsion plant, electrical generation, helicopter hangar and flight deck, bukod sa sariling desalination plant, sabi ni Pama.

Maliban kina Pangulong Aquino at Pama, kasama rin sa isinagawang seremonya ay sina U.S. Ambassador Harry Thomas, Defense Secretary Voltaire Gazmin, Manila Mayor Alfredo S Lim, AFP Chief of Staff Lt. Gen. Eduardo Oban Jr., at Philippine Navy Fleet 15 Commanding Officer Captain Alberto Cruz.

Agad na isasabak ng Philippine Navy ang BRP Gregorio del Pilar upang bantayan ang natural gas at oil exploration projects sa karagatang malapit sa Palawan sa gitna ng mga ulat hinggil sa talamak na kaso ng incursion sa karagatang sakop ng nasabing lalawigan.

Maglalakbay rin ang bagong sasakyang pandigma upang isakatuparan ang mga misyon nito kabilang ang drug interdiction, law enforcement, search and rescue operations, defense readiness at migrant interdiction sa buong bansa.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply