Budget officer ng NVSU binaril, patay

PATAY ang budget officer ng Nueva Vizcaya State University (NVSU) matapos itong barilin sa loob mismo ng campus ng unibersidad kaninang alas 7:20 ng umaga.

Ang biktima ay kinilalang si Arlene Mailig Fernandez. Lulan ng isang tricycle si Fernandez patungong adminstration building ng barilin siya ng salarin. Limang tama ng bala ang natamo ng biktima at idineklarang dead on arrival sa Veterans Regional Hospital.

Armado ng kalibre .45 ang bumaril na suspek at isa naman ang nagsilbing lookout. Pinara umano ng mga suspek ang isang tricycle at ginamit ito para makatakas.

Ayon naman ng S/Supt. Elmer Beltejar, ang Nueva Viscay Police Director, tingin nila ay may relasyon ang pagyayari sa pagiging budget officer nito sa NVSU.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply