Bukidnon muling inalerto sa landslides

INALERTO ngayon (Lunes, Agosto 25) ng Provincial Disaster Risk Reduction Council (PDRRC) ang mga mamamayan na nakatira malapit sa mga ilog at paanan ng bukid sa probinsiya ng Bukidnon.

Ito ay dahil sa posibleng maganap na mga pagbaha at landslides dahil sa mga pag-ulan na dala ng bagyong Mina.

Ginawa ito ng PDRRC dahil sa nangyaring pagbaha sa Purok 4, Bantulan, Lantapan at Fortich Bridge sa Valencia City, Bukidnon kahapon na ikinamatay ng tatlo katao.

Kinilala ang mga nasawi na sina Ernesto Gahinay, 40, at ang kanyang pitong-taong gulang na anak na lalaki na si Marmar, na taga bayan ng Lantapan.

Namatay din ang isang residente mula sa lungsod ng Valencia dahil sa pag-apaw ng tubig-baha mula sa Fortich bridge.

Maliban sa mga namatay, apektado rin ang ilang mga pamilya sa nasabing lugar.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply